Pinapaliwanag sa website ng Catholic Answers ang tungkol sa Papal Infallibility (http://www.catholic.com/library/Papal_Infallibility.asp). Mga Maling AkalaMaraming mga tao ang nag-aakala na ang mga Popes ay pinaniniwalaang hindi pwedeng magkasala. Ang Infallibility ay hindi ang kawalan ng posibidad ng magkasala. Ang infallibility din ay hindi lang limitado Sto. Papa, ito din ay para sa lahat ng mga obispo kapag kaisa sila ng papa sa aspeto ng doktrina at nagsasabi na ang mga ito ay katotohanan.
KahuluganAng doktrina tungkol sa "Infallibility" ay tumutukoy sa grasya na pinagkaloob ng Panginoon upang mapigilan ang anumang pagkakamali sa pagtuturo ng totoong pananampalataya. Ang grasyang ito ay tumutulong sa Santo Papa sa loob ng 3 kondisyon:
- Siya ay nagsasalita bilang Ulo ng Simbahan sa kapangyarihan ng posisyon ni San Pedro
- Siya ay nagtuturo sa aspeto ng moral at ng pananampalataya.
- Ang pagtuturo ay kanyang pinatatanggap sa lahat ng tao.
Mga tala sa artikulo ng Catholic Answer tugkol sa InfallibilityAyon sa Vatican II ang mga obispo ay Infallible din kahit sila ay kalat sa iba't ibang bansa sa tuwing sila ay nagpapahayag ng pananampalataya hangga't sila ay nagkakaisa at kasama nila ang Sto. Papa tungkol sa isang pananaw sa moral at faith na dapat sampalatayanan ng mga tao, ang halimbawa nito ay ang mga nangyayari sa Ecumenical Council
Makikita sa Bibliya "guide you into all the truth" (John 16:13) na hindi magkakamali ang simbahan, kahit magkamali ang parte ng miyembro nito (Matt. 16:18, 1 Tim. 3:15) Mas luminaw ang doctrina na ito nang makita ang awtoridad ng simbahan at ng primacy ng Sto. Papa at makikita ito sa unang kasaysayan ng Simbahan. Ang isang infallible pronouncement ay karaniwang nangyayari kapag may pagkakahati sa issue ng doktrina. Madalas na ang mga doktrina ay pinaniniwalaan naman ng malaking halos lahat ng miyembro ng Iglesiya.
Paglilinaw
Marami pa din ang nalilito sa pagkakaiba ng impeccability at Infallibilty ng Sto. Papa. May mga tanong din kung bakit ang ilan sa mga Sto. Papa ay hindi magkasundo sa ibang mga bagay. Dapat natin alalahanin na ang infallibility ay "solemn, official teachings on faith and morals, not to disciplinary decisions or even to unofficial comments on faith and morals". Ang infallibility ay hindi tumutulong sa Sto. Papa para malaman ang katotohanan, kailangan niya pa din alamin ang katotohanan, pero ang infallibilty ay pagpigil sa kanya ng Espiritu Santo na ma solemnly at pormal na magturo ng bagay na hindi totoo.
Pinapakita ng iba ang pag-iwas ni Pedro na maki-kain sa mga Christian Gentiles dahil sa takot niya sa mga tuling Judio pero sa pagkakataong ito, hindi nagtuturo si Pedro sa bagay ng Faith at Morals. Makikita din na alam ni Pedro ang tama pero hindi pa din niya ito sinunod. Para matulungan ang ating mga napahiwalay ng kapatid, ipakita natin na ginamit ng Espiritu Santo si Pedro ang dalawang Epistles ng walang pagkakamali.
Pagpapatibay ng Bibliya - "And I tell you, you are Peter [Petros], and on this rock [petra] I will build my Church, and the powers of death shall not prevail against it. I will give you the keys of the kingdom of heaven, and whatever you bind on earth shall be bound in heaven, and whatever you loose on earth shall be loosed in heaven'" (Matt. 16:18-19).
- Ibibigay ko sa iyo [soi=singular you] ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo [deses=singular you] dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, ang kalagan mo [luses= singular you] dito sa lupa ay kakalagan dinsa Langit."Mt 16:19
- Talagang sinasabi ko sa inyo : ang talian ninyo [pangmaramihan] sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo [pangmaramihan] dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. (Mat 18:18)
- Simon, Simon, hinihingi ni Satanas na salain kayong [pangmaramihan] tulad ng trigo pero ipinagdasal kita [singular] nang di bumagsak ang iyong [singular] pananampalataya. At sa pagbabalikloob mo [singular] naman , patatagin mo [singular] ang iyong mga kapatid.( Luke 22:31 -32)
Makikita natin ang mga ebidensiya nito pati sa Bibliya sa "He who hears you hears me" (Luke 10:16), at "Whatever you bind on earth shall be bound in heaven" (Matt. 18:18). Ang Tungkulin ni Pedro na kaiba sa ibang mga Apostoles. Ang gagampanan ni Pedro sa Simbahan ay nasusulat sa "At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya." Mateo 16 : 18 Ayon sa Katekismo ng Iglesia Katolika
- Ibibigay ko sa iyo [soi=singular you] ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo [deses=singular you] dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, ang kalagan mo [luses= singular you] dito sa lupa ay kakalagan dinsa Langit."Mt 16:19
Ano ang kahalagahan ng pananampalatayang ito para sa ating mga Kristiyano? Bakit mahalaga ang pagsunod natin sa Santo Papa? Anong ang ginagampanan ng Santo Papa sa Iglesiya ng Diyos? Mababasa sa Catechism of the Catholic Church ang ganito "Ang pananampalatayang ito ni Pedro ay ang bato na ginamit ni Hesus para maitayo ang Kanyang Iglesiya (424). Ang pagtanggap na si Hesus ay Anak ng Diyos ay ang sentro ng pananampalataya ng mga apostoles
(CCC442). Dahil sa pananampalataya ni Pedro, siya ang matatag na bato na magpapanatili at magproprotekta ng pananampalataya at magpapatatag ng pananampalataya ng
kanyang mga kapatid (CCC552).
Kanino pinagkatiwala ni Hesus ang Susi ng kaharian ng Langit? Di ba Niya ito binigay sa lahat ng apostol? Ang susi ng Iglesiya ay pinagkatiwala lang ni Hesus kay Pedro. Ngunit ang kapangyarihan na magkalag at magtali ay ibinigay din sa mga apostoles kasama ang ulo tulad ng makikita sa:
- Talagang sinasabi ko sa inyo : ang talian ninyo [pangmaramihan] sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo [pangmaramihan] dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. (Mat 18:18)
Ang Santo Papa ay napoprotektahan na magkamali sa aspeto ng pagtuturo ng moral (18:15-19) at ng pananampalataya (Mt16:16-17). Magkaiba ba ang tinutukoy ni Hesus sa paggamit niya ng Petros at Petra? May mga nagsasabi na ang Petra ay nangangahulugan ng malaking bato at ang Petros naman ay maliit na bato, bakit magkaiba ang ginamit ng sumulat ng Ebanghelyo? Ang petros at petra ay magkasing kahulugan sa mga panahon na isinulat ni San Mateo ang Ebanghelyo. May mga makikita na magkaiba ang kahulugan ng dalawa sa mga tula ng mga ilang siglo bago ang panahon ni Hesus, ngunit ang pagkakaiba sa mga salitang ito ay halos nawala na sa panahon ni Hesus at makikita na lang ito sa salitang Attic Greek. Ngunit ang New Testament ay isinulat sa Koine Greek kung saan ang dalawa ay walang pagkakaiba. Kung talagang gustong idiin ni Hesus na si Pedro ay isa lamang na maliit na bato, dapat sana ay ginamit Niya ang salitang "lithos" na madalas na gamitin para tumukoy sa maliit na bato. [source:
catholic.com]
- Thus says the Lord, the GOD of hosts: Up, go to that official, Shebna, master of the palace, Who has hewn for himself a sepulcher on a height and carved his tomb in the rock: "What are you doing here, and what people have you here, that here you have hewn for yourself a tomb?" The LORD shall hurl you down headlong, mortal man! He shall grip you firmly. And roll you up and toss you like a ball into an open land To perish there, you and the chariots you glory in, you disgrace to your master's house! I will thrust you from your office and pull you down from your station. On that day I will summon my servant Eliakim, son of Hilkiah; I will clothe him with your robe, and gird him with your sash, and give over to him your authority. He shall be a father to the inhabitants of Jerusalem, and to the house of Judah. I will place the key of the House of David on his shoulder; when he opens, no one shall shut, when he shuts, no one shall open. I will fix him like a peg in a sure spot, to be a place of honor for his family; On him shall hang all the glory of his family: descendants and offspring, all the little dishes, from bowls to jugs. On that day, says the LORD of hosts, the peg fixed in a sure spot shall give way, break off and fall, and the weight that hung on it shall be done away with; for the LORD has spoken. (Isaiah 22:15)
Mayroon bang kaugnayan ang pagbasa sa Isa 22 sa Mat 16? Ang pagbasa sa Mateo 16 ay pinangungunahan ng pagbasa galing sa Isa 22. Sa pamamagiitang ng pagbasa natin sa nasusulat sa Lumang Tipan, mas magkakaroon tayo ng ideya kung ano ang kahalagahan ng sinabi ni Hesus kay Pedro. Sabi nga, nakatago ang Bagong Tipan sa Lumang Tipan, at ang Lumang Tipan ay ibinubunyag sa Bagong Tipan.
Sinundan si David ng mga iba pang mga hari at si Haring Hezekiah, ang ika-14 na hari ng Juda, ang hari sa pangyayaring ito. Ang naging katulong ng mga hari ay ang mga ministro na pinamumunuan naman ng Punong Ministro. Sa Isa 22, ang sinisimbolo ng susi ay ang pagiging Punong Ministro. Nagpatuloy ang pangyayari na nawalan na ng pagtitiwala ang Panginoon kay Sobna at sinabi na papalitan na siya sa kanyang puwesto. Kinailangan ng awtoridad ng Panginoon upang tanggalin siya sa kanyang puwesto (Isa 22:1)
Kung Ang kaharian ni Haring David ay naitaguyod nang mga 11B.C. at ang una hanggang ika-39 na kabanata ng libro ni Isaias ay naisulat ng mga 8 B.C., nangangahulugan na ang susi ay naipasa ng 300-400 na taon. Sa Lumang Tipan, makikita ang pagkakaroon ng katulad na puwesto sa mga namamahala ng sambahayan ng Hari (2 Kings15:5, Gen 41:39-40). Halimbawa na lang nito ay si Jose na namahala para sa Paraon. Sa ating panahon, ang posisyon na iniwan ni San Pedro ay di nawawala ngunit naipapasa, at ang posisyon na ito ay ang sa Santo Papa.
Ayon sa Revelation 3:7, si Hesus ang may hawak ng susi ng sambahayan ni David na siya ang may kapangyarihan magsara at magbukas. Hindi binibitawan ng Diyos ang Kanyang awtoridad sa mga susi ngunit ipinagkakatiwala Niya ito sa mga naatasan Niya. At sa Juan 21:15-17 si Pedro ang magiging Pastol ng mga tupa at kordero.
" Jesus entrusted a specific authority to Peter: "I will give you the keys of the kingdom of heaven, and whatever you bind on earth shall be bound in heaven,and whatever you loose on earth shall be loosed in heaven."287 The "power of the keys" designates
authority to govern the house of God, which is the Church. Jesus, the Good Shepherd, confirmed this mandate after his Resurrection: "Feed my sheep."288 The power to "bind and loose" connotes the authority to absolve sins, to pronounce doctrinal judgements, and to make disciplinary decisions in the Church. Jesus entrusted this authority to the Church through the ministry of the apostles289 and in particular through the ministry of Peter, the only one to whom he specifically entrusted the keys of the kingdom."
Makikita natin ang pagkakaiba ng tungkuling ginagampanan ng Santo Papa na kaiba sa tungkulin ng mga Obispo dahil siya lang ang pinagkalooban na mag-isang makakapagtali o makakapag-kalag sa lupa na mangyayari din naman sa langit. Ang suporta nito sa Bibliya ay makikita sa "Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa at tatalian sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit." Mateo 16 : 19 Sa pagkakataong ito, binigay ni Hesus ang susi kay Pedro lamang. Mapapansin dito na hindi kinakailangan ang pagsang-ayon ng ibang mga apostol para sa pagkalag
at pagtali ni Pedro.
Makikita din sa"Simon, Simon, narito, hiningi ni satanas na ligligin kayo gaya ng trigo, subalit ako ay nanalangin para sa iyo upang ang iyong pananampalataya ay huwag mawala; kung makabalik ka nang muli, ay palakasin mo ang iyong mga kapatid." Lucas 22 : 31-32 Sinasabi dito na si Pedro ang naatasan na magpalakas ng pananampalataya ng Simbahan.
Para sa marami pang mga sitas sa bibliya na magpapatibay ng kanyang tungkulin bilang punong ministro ng Simbahan na pinagkalooban ng grasya ng Infallibility, pumunta na lang sa link na ito
http://www.scripturecatholic.com/primacy_of_peter.html * "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na anumang inyong talian sa lupa ay yaong tatalian sa langit; at anumang inyong kalagan sa lupa ay yaong kakalagan sa langit. " Mateo 18 : 18
Infallibility ng lahat ng Apostoles kaisa ni Pedro Para naman sa grasya na natanggap ng mga Obispo, ang kanilang kapangyarihan na magkalag at magtali ay binigay ni Hesus di para sa isa sa kanila lamang pero para sa grupo. At sa grupong ito, kasama nila sa mga pinagbigyan ni Hesus si Pedro. Kaya naman masasabi na infallible ang mga lahat ng Obispo kung sila ay magkakaisa sa isang desisyon, moral man o pananampalataya, sa kondisyong sila ay nakikiisa sa desisyon ng Santo Papa. Makikita ang pagbigay ng kapangyarihan na ito sa Magisterium ng Simbahan
Sa turo ni Hesus, ang may awtoridad sa pagbigay ng kahulugan at pagpapanatili ng Sagradong Salita ng Diyos ay ang Magisterium ng Simbahan. Ang Magisterium
ay binubuo ng Santo Papa at ng mga Obispo na kaisa ng Santo Papa na gumagalaw sa kapangyarihan ng kanilang posisyon. At dahil sa naniniwala ang Simbahang
katoliko na hindi namamatay ang posisyon ng Apostol kung hindi ay naipapasa, parte ng pananampalataya at isang doktrina na ituring ang Santo Papa at mga Obispo
na nakaupo sa posisyon ng mga Apostol. Dahil dito, marapat lang na makinig tayo sa kanila dahil sinabi ni Hesus na:
"Whatever you bind on earth shall be bound in heaven"
(Matt. 18:18).
* At dahil sa garantiya na si Hesus na "guide you into all the truth" (John 16:13).
* Simon, Simon, hinihingi ni Satanas na salain kayong [pangmaramihan] tulad ng trigo pero ipinagdasal kita [singular] nang di bumagsak ang iyong [singular] pananampalataya. At sa pagbabalikloob mo [singular] naman , patatagin mo [singular] ang iyong mga kapatid.( Luke 22:31 -32)
Makikita natin dito na pinili ni Hesus si Pedro upang mamuno sa mga apostol, at dahil sa pinagdasal ni Kristo ang pananampalataya ni Perdro bilang punong ministro ng Iglesiya.
Other biblical Evidence of the Primacy of Peter
Mga Ebidensiya na nangunguna sa mga apostol sa New Testament
Nangunguna si Pedro 'pag tinutukoy ang mga apostoles (Matt. 10:1-4, Mark 3:16-19, Luke 6:14-16, Acts 1:13, Luke 9:32)
Si Pedro ang kadalasang tagapagsalita ng mga apostoles (Matt. 18:21, Mark 8:29, Luke 12:41, John 6:68-69)
Kapansin-pansin siya sa mga mahahalagang pangyayari (Matt. 14:28-32, Matt. 17:24-27, Mark 10:23-28)
Sa Pentecost, sya ang nanguna sa pagtuturo (Acts 2:14-40), pagpapagaling matapos ang Pentecost, kaarawan ng simbahan, (Acts 3:6-7)
Ang pananampalataya ni Pedro ang magpapalakas ng kanyang mga kapatid (Luke 22:32)
Siya ang pinagbilinan ng mga tupa (John 21:17)
Pinadalan ang anghel kay Pedro para ipaalam ang muling pagkabuhay (Mark 16:7)
Siya ang nanguna sa pagpupulong at paghirang kay Matthias (Acts 1:13-26)
Tinanggap niya ang mga unang converts (Acts 2:41)
Siya ang unang nagparusa (Acts 5:1-11)
unang nag-excommunicate ng heretic (Acts 8:18-23)
Nanguna sa unang konsilyo sa Jerusalem(Act 15) at pagbigay ng unang dogmatic decision
Unang nakatanggap ng mensahe ng pagtanggap ng mga Hentil para mabinyagan at maging Kristiano (Acts 10:46-48)
Base din sa KasaysayanMakikita din sa Sagradong Tradisyon na pati si Cyprian ng Carthage, na sumulat noong 256, ay nagbigay ng ganitong tanong, "Would the heretics dare to come to
the very seat of Peter whence apostolic faith is derived and whither no errors can come?" (Letters 59 [55], 14). At sa sinabi noong ikalimang siglo ni Augustine na, "Rome has spoken; the case is concluded"
(Sermons 131, 10).
Ano ang pagpapatunay na naipapasa ang Posisyon ng mga apostoles. Pano tayo nagkaroong ng mga Obispo at ano ang kaugnayan nila sa mga Apostoles? Sa pangunguna ni Pedro, sila ay namili ng papalit kay Judas (Acts 1:20-26). Si Matthias ang napili bilang kapalit ni Judas na nangangahulugan na naluklok siya sa posisyon ng episkopoi na mangangalaga ng simbahan.
Masasabi natin na sina Pablo (Paul) at Bernabe (Barnabas) ay naging obispo ng simbahan dahil sa kanilang ginampanan ng pagbisita at pagtingin (episkepsometha= oversee) sa simbahan (Acts 15:36). Ang nagmana ng posisyon ng mga Apostol ay ang mga Obispo. Sinabihan ng mga apostol ang taong hinirang nila na sa kanilang pagpanaw, makapili sila ng tao na magpatuloy ang kanilang misyon . At dahil dito, napananatili ang Tradisyon ng mga apostol. Ito ang nangyari ng piliin ni Pablo sina Timoteo at Titus (Titus 1:5).
Ang Matatanda ng Iglesiya (Act 20:17) ang tinutukoy sa Act 20:28 na may tungkulin na maging tagapag-ingat (overseer) para pangalagaan ang Iglesiya. Ang salitang "bishop" sa Ingles ay galing sa salitang episkopos sa Griego na ang kahulugan ay tagapag-ingat