katoliko at Yahoo! Groups

twitter pic

Saturday, October 09, 2010

Diyos ng mga Biyaya


Makinig sa pagninilay ni Bishop Tagle

http://www.youtube.com/watch?v=PA1DOAf3xL4&feature=youtube_gdata_player

Lk 17:11-19 Gospel
As Jesus continued his journey to Jerusalem,
he traveled through Samaria and Galilee.
As he was entering a village, ten lepers met him.
They stood at a distance from him and raised their voices, saying,
"Jesus, Master! Have pity on us!"
And when he saw them, he said,
"Go show yourselves to the priests."
As they were going they were cleansed.
And one of them, realizing he had been healed,
returned, glorifying God in a loud voice;
and he fell at the feet of Jesus and thanked him.
He was a Samaritan.
Jesus said in reply,
"Ten were cleansed, were they not?
Where are the other nine?
Has none but this foreigner returned to give thanks to God?"
Then he said to him, "Stand up and go;
your faith has saved you."


Sharing

Kung minsan, matapos natin makatanggap ng biyaya mula sa Panginoon, nalilimutan natin ang Diyos na pinagmulan ng mga biyaya. Katulad ito ng nangyayari sa ating panahon ngayon sa ating lipunan kung saan nakakalimutan ang Diyos at natutuon na lamang sa salapi at iba pang materyal na bagay.

Kung makikita natin sa Ebanghelyo, nagbalik ang Samaritano kay Hesus upang magpasalamat. Ayon sa ating Santo Papa Benito XVI, ito ang kulang sa atin ngayon, ang pagtanaw natin ng utang na loob sa Diyos dahil sa Kanya nagmumula ang lahat at mula sa pagtanaw ng utang na loob sa Panginoon na ito ay ang udyok sa atin na kumilos sa di-makasariling pagmahal sa ating kapwa. Nasabi ni Sto. Papa Benito na ito ang atin kalikasan, tayo ay nilikha para sa handog, tumatanggap tayo ng handog ng Diyos at tinatawag tayo sa paghahandog sa ating kapwa. Ang ating paghahandog na ito ay nasa rurok sa ating pagbibigay ng ating sarili sa pamamagitan ng pakikiisa natin sa pangangailangan at pagdurusa ng ating mga kapus-palad na kapatid. Sa pakikiisa natin sa kanila dito ay naibabahagi natin ang ating presensiya, ang handog ng ating sarili.

Nakita din natin na ang nagbalik na Samaritano ay nakatanggap ng mas malaking biyaya, ang pamumukadkad ng kanyang pananampalataya na nagligtas sa kanya at nagbigay sa kanya ng walang-hanggang buhay.

Makikita natin na kahanay ng unang Ebanghelyo, sa unang pagbasa, nakita natin na ang Katotohanan ni Kristo ay di nakukulong ng pagkukulang ng makataong kultura o paniniwala. Iniwan ni Naaman ang kanyang diyus-diyosan dahil natagpuan niya ang Mismong Katotohanan, ang Diyos mismo. Ito ang tawag sa sangkatauhan, ang matagpuan ang katotohanan na siyang nagbibigay liwanag sa kung sino tayo na siyang inalok ni Elisha kay Naaman. Ito ang hamon sa ating panahon na walang-takot na ipangalat ang mabuting balita na ating ipinagkakait tuwing pinapalagpas natin ang pagkakataon na ibahagi ito sa iba.

Nawa'y magningning pa lalo ang liwanag ng Katotohanan na si Hesus, Nawa'y lagi nating isa-isip na ang lahat ng mayroon tayo ay galing sa Diyos at tayo di ay tinatawag na maging handog para sa Diyos at ating mga kapwa.

Your groupmate,
Eric


No comments: