katoliko at Yahoo! Groups

twitter pic

Sunday, August 30, 2009

Mga notes sa Sunday Bible Study ni Fr. Jun


Sunday Gospel Videos: Jesus said "Nothing that goes into a man from outside can make him unclean; it is the things that come out of a man that make him unclean"

Fr. Jun's reflections Video http://bit.ly/dMdP4
Bishop Ambo's sharing Video http://bit.ly/1a7HMn

Unang Pagbasa

Deutero-pangalawa nomos- batas. Ang unang batas ay matatagpuan sa Exodo nang nasa paanan ng bundok ang mga Israelita at 'di lang ang sampung utos ang ibinigay kundi marami pang mga batas. Uulitin naman ang mga batas na iyon sa Deuteronomy sa mas malalim na pananaw. Mahalaga na sundin ang batas at huwag itong dagdagan o bawasan. Sa pamamagitan ng pagsunod sa Diyos, naipapakita natin na tayo ay may karunungan.

ika-2 Pagbasa

Ang lahat ng handog ay galing sa Diyos. Tanggapin natin ng may kababaang-loob ang Salita ng Diyos. Maging taga-gawa tayo ng Salita at hindi taga-pakinig lamang. Ano ba ang tunay na relihiyon? Ang alagaan ang mga ulila at mga balo dahil wala silang kalaban-laban sa mundo. Manatiling walang dungis sa mundong ito.

Ebanghelyo

Escriba- mga biblical scholars, dalubhasa sa Banal na Kasulatan. Pariseo- nangangahulugan na humiwalay sa kanilang pagnanais na mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng salita ng Diyos. Ang guro ay ang Escriba, ang mag-aaral ay ang Pariseo. Ang sinabi nilang 'di malinis ay ang 'di pagsunod sa mga ritwal. Ano ang mga naiisip 'pag narinig ang kautusan: torah, decalogue, at ang batas na ginawa ng mga escriba. Ang mga batas ng mga escriba ay hindi hango sa biblia na ginawa upang maging bakod sa mga batas ng Diyos. Halimbawa ay ang pangingilin sa Sabado na nag-uutos ng di pagbubuhat. Mula sa mga batas na ito, bibigyan nila ng mga regulasyon kung paano ito tutuparin. 'Di ang nanggagaling sa labas ang nagpapadumi sa tao ngunit ang nangagaling sa loob.

1 comment:

Anonymous said...

Thanks for this sharing this one with us Bro.