katoliko at Yahoo! Groups

twitter pic

Thursday, January 07, 2010

EWTN Notes: Catholic Priesthood Through the Ages with Fr. Charles C onnor


http://bit.ly/7D6THM

Ang mga pari ay pari na di lang dahil sa kanilang ginagawa o gagawin ngunit dahil sa kanilang mismong katauhan na di maaalis matapos ang kanilang ordinasyon.

Ang mga pari ay lalong nagiging pari sa kanilang pakikiisa kay Kristo sa Kanyang sakripisyo: mga pagsubok pagnagdarasal, pagsubok sa kanilang pasensya, pakikiisa sa mga sakripisyo ng kanyang mga parokyano. 

Ep 2

Sa pamamagitan ng kaparian, nagkakaroon tayo ng kakayahan na makiisa sa sakripisyo ni Hesus


Ep 5

Ang karakter ng pagkapari ay mananatili kahit ano pa man ang mangyari.

Ang mga pari ay nagiging daan kung papaano maihahatid ang gawa ng sakripisyo ni Hesus para sa ating kaligtasan.

Tanging ang Diyos lamang ang makakagawa sa isang tao na maging pari.

Ang banal na orden ay pagbibigay ng mga handog sa pari para sa ikapagpapabanal ng mga tao.

Ang bautismo at kumpil ay lumilikha ng daan upang patuloy tayong makatanggap ng Grasya. Ang banal na orden ay di nagdadadag ng mga kaloob na bukod pa ng kung ano ang nakuha natin sa bautismo at kumpil. Ito ay nagpapalalim ng marka na nakuha natin sa dalawa. Lumilikha ito ng disposisyon upang isabuhay ang grasya sa buhay ng isang pari. Ang misyon ng pari ay di na mahihiwalay sa naordenahan.

Nakikibahagi ang mga pari sa misyon ni Hesus: ang pagtataglay ng marka ng Ama upang madinig ang hindi nabibigkas at makita ang hindi nakikita.

Ep 6


Kung ang kalbaryo ang pinaka patutunguhan ng buhay ni Kristo, para sa mga pari, ang kanilang pinaka misyon ay ang pagdiriwang ng Misa.


Ang binigay na manna ay sapat lang para sa bawat isa. Tulad nito, ang Eukaristiya ay sapat na upang masustentuhan ang pangangailangan ng tao.

Ibinigay mo sa amin ang Iyong kamatayan, ibibigay namin sa iyo ang aming buhay. Ibinigay mo sa amin ang iyong oras, ibibigay namin sa iyo ang aming walang hanggan,


No comments: