EWTN notes Priest for life episode 8 Re: [katoliko] romano 13: 8-14 (mag ibigan!)
hello Groupmates!
Salamat Brother Prinz sa pagsulat mo ng verse about Love of our Neighbor, nagkataon na nakikinig din ako ng programa tungkol sa pagtawag sa pagmamahal natin sa mga mga bata.
Ito ang notes ko sa episode 8 at 9 ng Priest for life sa EWTN:
Sasabihin ng marami sa atin na hindi tayo gagawa ng abortion. Pero sana ay hindi lang dito mahihinto ang paglaban natin sa abortion ng mga bata at gumawa tayo ng mga hakbang para matigil ito. Kung mahal natin ang Diyos, ang pagmamahal na iyon ang magpapagalaw sa atin para kumilos ng laban sa pagpatay ng mga bata. Tandaan natin na namatay ang Diyos para sa lahat ng tao at bawat tao na mabubuhay dito sa mundo.
Sa programang sa EWTN na pinapakinggan ko, sinasabi na sa oras na ginagawa ang taping nila, 88% ng mga abortion sa US ay nagagawa sa unang 12 linggo ng pagbubuntis. Sinabi din na ito ay nangyayari kahit na di maitatanggi na sa ika-7 at ika-8 ng pagbubuntis, ang dinadala sa sinapupunan ng ina ay isang tao.
May mga nagsasabi na ang usapin tungkol sa abortion ay di kailangan isama sa politika dito sa USA, nalilimutan nila na ang foundation ng bansang ito ay base sa gobyernong ipaglalaban ang karapatan ng bawat tao. Hindi makatwiran na sabihin na walang kinalaman ang gobyerno dito dahil ang gobyerno ay para sa protekisyon ng bawat tao.
Maraming tao ang di gumagawa ng "actions" kadalasan ay dahil sa maling paniniwala tungkol sa demokrasya. Pero dapat nating tandaan na ang demokrasya ay nakakabuti para sa lahat kung ang pinaglalaban nito ay nasa tama.
Maganda din na makita natin ang mga statistics para makita natin kung ano ang nangyayari sa ating society. Sa survey na ginawa sa panahon ng taping ng programa dito sa USA , 8% ng population ng America ang may pagkilos tungkol sa issue ng Abortion. Ang mga aktibong tao na pro-life ay 7 % at 1% ang kumikilos para ipakalat ang pro-choice. Siguro kasama na ako sa 92% na hindi gumagalaw tungkol sa issue na ito. Ito ay dapat na mabago.
Makikita din sa isang survey dito sa USA kung gaano kalaki ng halaga ng pera ang napupunta sa ibang bagay kumpara sa pag gastos natin para malabanan ang abortion:
electronic resources 58 billion;
pet 63 B on animals.
restaurant 176B eating out;
national peanut 1B;
1.2 B popcorn
Noong 1997, dito sa Amerika, ang dami ng mga taong namatay ay 2.314 Million 'di pa kasama ang mga naabort na mga bata na nasa 1.37 Million. Halos kalahati ng mga namatay sa ibang kadahilanan. Sa statistics, 725,790 ang namatay sa heart disease noong 1997 at sa cancer, 537,390. Sinasabi na sa buong kasaysayan ng death penalty sa US, nalagpasan ito ng dami ng abortion na nagaganap sa 5 araw lang.
Epektibo na napapakita sa mga tao ang mga nagaganap para mapansin at mapagtuunan ng attention ang isang bagay. Tulad na lang ng pelikula na Schindler's List kung saan nakita natin kung gaano katindi ang sakripisyo ng mga Hudeo. Tulad na lang ng Passion of the Christ, kung saan nakita natin ang kadalasang di sineseryosong sakripisyo ng ating Panginoon at ni Mother Mary. Tulad ng sa Lord of the Rings at Narnia, na naipapakita ang labanan ng masama at mabuti sa mga images na sumasalamin sa mga nangyayari sa tunay na buhay. Siguro, marami sa atin ang mas magbibigay ng attention kung makikita natin ang ilan sa mga proseso ng pag aabort na makikita sa www.priestforlife.org kung saan sa isang partial-birth abortion, ang katawan ng bata ay ilalabas sa ina, iiwan ang ulo sa loob ng ina, sa pamamagitan ng gunting ay ipapasok ang tubo sa leeg at sisipsipin ang utak ng bata, http://www.priestsforlife.org/partialbirth.html.
Pagdasal natin ang pagtatapos ng Abortion,
eric
groups.yahoo.com/group/katoliko
-- ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon!
No comments:
Post a Comment