http://bit.ly/7zQGfx
Ep 1
Si Hesus ang punong saserdote/pari. He is the Good Shepherd. The fullness of prophecy.
Jesus established the priesthood upang tayo ay magkaroon ng direktang daan sa Diyos.
Pinili Niya ang 12 apostol. Giniwa Niya silang mga pari sa Huling Hapunan nang sabihan Niya na gawin ang Transubstantiation. Sinabi din Niya na ipagpatuloy ang pag ordina ng mga pari. May nagpapakalat ng mga pangaral dati na ang mga pari ay trabaho lamang. Ang pagiging pari ay isang karakter, paglalagay ng permanenteng marka sa naordenahan. Ang marka na ito ay ang marka ni Hesus na nagbibigay kakayahan sa kanila na kumilos sa persona ni Hesus. Ang lahat ng pari ay nakikibahagi sa pagkapari ni Hesus..
Ang mga obispo ay nangangaral sa mga tao. Ang mga pari ay di lang maituturing na higit ang pagkapari sa mga layko. Ang pagkapari nila ay sa ibang paraan, ito ay kaparian na maglilingkod sa mga tao
Ep 2
Nagtalaga ang Diyos ng grupo ng tao para sa pagsamba sa Lumang Tipan. Sila ang mangunguna sa pagsamba, una sa kanilang pag-alis sa Ehipto at pagkatapos ay sa templo. Sila ang magtuturo sa mga tao at magpapaalala sa kanila ng mga ginawa ng Diyos.
Sila ang magiging tagapangalaga ng pagdiriwang ng paskuwa. May kaugnayan ang kaparian ng lumang tipan bago ang kaparian ng mga levita at ang kaparian natin ngayon. Ang kaparian natin ngayon ay ang kaganapan ng kaparian ng mga Hudyo. Nang si Moises ay pumunta sa Sinai, siya ay tumatayo bilang punong pari. Ang kaparian ni moises ay malalagpasan lamang ng pagiging pari ng Mesiyas
Ep 3
CCC1534 si Hesus ay 'di nagmula sa lipi ni Levi kung 'di sa lipi ni David, sa lipi ni Judah. Nangangahulugan na ang kaparian ng Bagong Tipan ay 'di namamana at 'di na nababase sa pinanggalingang pamilya.
Mataas ang pagtingin ni Hesus sa mga kaparian ng Lumang Tipan. Sa talinghaga ng mabuting Samaritano, pinahayag ni Kristo na inaasahan niya ang mga pari na maging mapagmahal.
Si Hesus ay ang perpektong tagapamagitan dahil Siya ay Diyos at tao.
Tanging kay Hesus lang nagkakaisa ang Diyos at ang tao. Siya ang daan, ang katotohanan at ang buhay.
Ep 4
Ep 5
Ang mga disipulo ay may kagustuhan na makinig kay Kristo at isabuhay ang mga katuruan na ito.
Sa lumang tipan, ang mga disipulo ang namimili ng rabbi o guro. Ito ay biniligtad ni Kristo ng sabihin Niya na Siya ang humirang sa Kanila.
Pumili siya ng 12 disipulo upang simulan ang bagong paglikha ng Bayan ng Israel. Sa Marko, sinabi na nilikha niya ang 12 na isang kakaibang pagsasabi ng pagpili ng 12. Ito'y pagpapahayag na ang pagpili sa kanila ay ang pagsisimula ng proseso ng bagong paglikha.
Ang mga pari ay mga tagapaglingkod tulad ni Hesus.
Ang mga pari ay mamumuno sa mga tao base sa kanilang kapangyarihan upang makapaglingkod.
Ang Espiritu ng Diyos at nag"hover" sa tubig. Ito ang pinapaalala ng paghinga ni Hesus sa mga apostol upang sila ay bigyan ng kapangyarihan upang magpatawad ng mga kasalanan. Pinapaalala din nito ang paghinga sa mga buto sa libro ni Ezekiel nang nabigyan ng buhay, simbolo ng pagbabalik ng mga Israelita sa ipinangakong lupain.
Ep 6
Naipapasa ng mga apostoles ang kanilang tungkulin sa mga oordenahang mga tao.
Episkopos
Prebuteros
Deacons
Act 20:23-32
-- my heart rejoices in the Lord!
No comments:
Post a Comment