katoliko at Yahoo! Groups

twitter pic

Monday, August 03, 2009

G-Force

Hello groupmates! Wala itong spoiler kaya maaring mabasa kahit ng di pa nakapanood ng pelikula.

Naimbitahan na naman ako na manood ng pelikulang G-Force. Ang mga bida sa pelikula ay sina Darwin, Juarez, Blaster (mga guinea pig) at si Speckles na isang mole. Ang mga magkakaibigan ay sumailalim sa matinding pagsasanay upang maging magagaling na imbestigador. Ang naging misyon nila sa pelikula ay malaman ang maitim na balak ni Leonard Saber, ang may ari ng isang pabrika ng mga kagamitang pambahay. Maraming mga nakapaloob na mensahe ang matatagpuan sa pelikula tulad ng kahalagahan ng pagkakaisa sa paggawa ng misyon. Ang pagkilala na hindi tayo nag-iisa sa buhay at bahagi tayo ng iisang pamilya. Pinakita din ang kahalagahan ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at ang wastong paggamit nito.

Gamitin natin ang ating mga kakayahan upang makapaglingkod sa ating mga kapatid!

Eric

No comments: