katoliko at Yahoo! Groups

twitter pic

Monday, February 08, 2010

Got hope? Matuto tayo kay Sta. Josephine Bakhita http://bit.ly/av28 Ga

Galing sa Katoliko Oral Presentation : Spe Salvi sa Tagalog http://bit.ly/av28Ga

...Matututo tayo sa halimbawa ng Africanang Santo na si Josephine Bakhita, na isinilang noong 1869 sa Darfur, Sudan. Noong siya ay 9 na taon, siya ay nakidnap, binubugbog hanggang sa maging duguan at naibenta ng 5 beses sa Sudan. Siya ay nagtrabaho bilang alipin para sa ina at asawa ng heneral at araw-araw ay nalatigo siya hanggang siya ay magdugo na nag resulta ng 144 na marka sa katawan. Noong 1882, siya ay nabili ng Italiano mangangalakal para sa Italianong consul na si Callisto Legnani, na nagbalik sa Italya. Duon,matapos makilala ang mga malulupit na amo, nakilala ni St. Bakhita nakilala niya ang talagang kakaibang amo. Ginamit niya ang pangalang "paron" na galing sa salitang Venitia na kanyang natutunan sa lugar na iyon. Ang paron ay itinawag niya para sa buhay na Diyos, ang Diyos ni Hesus. Bago ang puntong iyon, ang mga nakilala niya lang na mga amo ay ang mga amo na namuhi at nagmaltrato sa kanya at tumuring lang sa kanya bilang magaling na alipin. Ngayon, nalaman niya ang tungkol sa paron na higit pa sa lahat ng mga amo, ang Panginoon ng mga panginoon, ang panginoon na iyon ay ang mabuti, ang kabutihan mismo, na lumikha sa kanya at nagmamahal sa kanya at siya ay minamahal din. Ang Panginoon na ito ay tumanggap din ng kapalaran na malatigo at nag-hihintay sa kanya sa kanang kamay ng Ama. Nagkaroon siya ng pag-asa at di lang nag-aantay ng amo na mas magiging mabait. "Tunay na ako ay minamahal at kung ano man ang mangyari, ako ay iniintay ng pagmamahal. Kaya mabuti ang buhay ko." Sa pamamagitan ng pag-asa na ito, siya ay naligtas at di na isang alipin pero sa isa ng anak ng Diyos at naintindihan niya ang sinabi ni San Pablo.
 
Kaya nang dadalin na dapat siya sa Sudan, umayaw si Bakhita dahil ayaw niyang mapahiwalay sa "Paron". Noong 9 January 1890, siya ay nabautismuhan, nangamunyon at nakumpilan ng Patriarko ng Venice. Noong 8 December 1896, sa Verona, siya ay pumasok sa Kongregasyon ng Canossian Sisters, at mula duon, bukod pa sa kanyang gawain na magtrabaho sa sacristy at sa kumbento, siya ay naglakbay sa Italya para sa kanyang misyon: ang pagpapalaya na kanyang nakamtam sa pagkilala niya sa Diyos ni Hesu-Kristo at ninais niyang maipaalam sa mga maraming tao

-- my heart rejoices in the Lord!

No comments: