http://bit.ly/9s6zLf Salamat Dwen sa sharing mo!
Pinapaalala ng Ebanghelyo na ito ang pagiging tunay na Kristiyano, na ang pagiging kasama ni Jesus ay pagiging katulad Niya. Sa ating sitwasyon ngayon, marami sa atin ang may gusto na magkaroon ng kapangyarihan, materyal na bagay at katanyagan. Dito ba natin masusukat ang ating pagpapala? Paano na ang pagtawag ni Jesus sa isang lalaki na iwan ang kanyang ari-arian at sumunod sa Kanya? Bagama't hindi lahat ng tao ay tinatawag na iwan ang lahat ng ari-arian, ang pagtawag ni Jesus sa lalaki sa ganitong buhay ay nagsasabi kung ano ang itinuturo ng mga pagpapala na natatanggap sa Lumang Tipan. Na ang mga materyal na bagay ay nagtuturo lamang sa mga bagay na higit pa sa kung ano ang nasa mundong ito, na 'di dapat mawala ang isip pagkamit ng kayamanan sa langit.
Marami na din ang naniniwala na ang materyal na bagay ang basehan ng biyaya ng Diyos. Siguro nga, ito ang ginagamit ng Panginoon bilang simbolo ng kanyang biyaya sa Lumang Tipan, pero sa Bagong Tipan, sinabi ni Jesus sa Beautitudes o sa 'Mga Pagpapala' na ang tunay na pagpapala ay ang nasa pagiging katulad Niya.
Ito ang pagbubunyag kung sino ang maituturing na mapapalad. Si Jesus na hari ay nagbuhat ng Kanyang krus, nakoronahan ng tinik, at iniangat para sa atin. Sa krus, na tinawag niyang Oras ng Pagluluwalhati, makikita natin na ang nasa kaliwa at kanan niya ay ang mga kasama Niyang nakapako din. Tayo ay nagiging mapalad sa ating pagsunod sa kanyang mga turo, at pag-aalay ng mga sakripisyo natin sa Ama.
Mapapansin din natin na ang lahat ng tao ay may natural na kagustuhan na mapunuan ng iba't ibang bagay, materyal o espiritwal. Tayo na may katawan ay may limitasyon ngunit ang ating espiritu ay naghahangad ng higit pa sa maibibigay ng mga materyal na bagay. Ang kagustuhan na mapunuan ang espiritu ay nagpapatunay ng ating pagkauhaw sa pagmamahal ng Diyos tuland ng sinabi ni San Augustin, our hearts are restless until we rest in God. Ang katotohanan ng hindi natin pagkakontento sa mga ito ay nagtuturo sa realidad na may espiritwal na bagay na dapat nating hanapin para makompleto ang kulang sa atin.
http://bit.ly/alJgen Samakatuwid, ang pagpapala ay ang pakikipag-isa natin kay Kristo. Kasama nito ay ang pagtanggap ng Kanyang kababaang-loob na ayon kay San Ignacio ay may 3 lebel.
1) Pagsisikap sa pag-iwas sa mortal na kasalanan. Sa Krus, tinalikuran ng magnanakaw ang lahat ng bagay para sa Panginoon at di nagnais na maalis siya sa Krus at iwan si Kristo.
2) Pagsisikap sa pag-iwas sa moral na kasalanan at pag-iwas sa mga venial sins.
3) Ang pangtatlo at pinaka mataas na uri ng pagkukumbaba ay ang paglayo sa mortal at venial na kasalanan kasama ng pagkakaroon ng kagustuhan na maging katulad ni Kristo na pumipili sa kahirapan kasama ni Kristo kaysa sa pagpili ng kayamanan. Pagpili sa pagka-insulto na kasama si Kristo kaysa sa karangalan. Maituring na walang kuwenta at hibang para kay Kristo sa halip na maituring na mautak o matalino sa makamundong batayan ng maraming tao. Sa Krus, di na hinangad ng magnanakaw ang materyal na bagay. Hiniling niya ang pinaka-mahalagang bagay, ang pinaka dahilan ng ating pagkakalikha, ang makilala, mahalin at paglingkuran ang Diyos.
Maligayang Araw ng mga Puso.Saint Francis of Assisi, Pray for us
Your katoliko groupmate,
eric
-- my heart rejoices in the Lord!
No comments:
Post a Comment