Mga tala na kaugnay sa ipinagdiriwang mula sa "The Great Heresies with Fr. Charles Connor"
Ep 7
Ang Icon ay flat, religious, 2d image na ginamit para sa pagsamba at mga ritwal, magsisilbing imbitasyon para sa pagdarasal. Nagkaroon ng pang-aabuso sa paggamit ng icon tulad ng paniniwala na ito ay may kapangyarihan. Naging sanhi ito ng pag-alis ng mga tao ng kanilang atensyon sa misteryo ng pananampalataya.
Ang Iconoclasm (icon/larawan, clan/pagbasag) ay ang heresy na nagbunga sa paniniwalang ito na may impluwensiya ng relihiyong Islam at Judaismo. Ninais nilang sirain ang mga icon upang mabalik muli ang kanilang atensiyon sa tamang pagsamba
*Theophany the Greek- isa sa pinakamagaling na gumawa ng icon.
Ang unang iconoclasm ay naganap noong 713 sa panahon ni Emperador Leo III na may pangamba sa paggamit ng mga icon. Nagkaroon ng layunin na pag-isahin ang estado ng mga muslim at Kristiano ng may iisang pananampalataya ngunit tinuring nilang hadllang ang icon upang makamit ito. Noong 726 , nagpalabas sila ng edict na idolatrous ang mga icon ngunit ito'y nilabanan ng mga mongha, mga madre, at Patriarko at kinausap din nila ang Papa. Namatay ang Papa at nanatili ang edict na nagbunga ng pagkamatay ng maraming mga mongha at mga madre na nagprotekta ng mga icon. Nagkaroon ng konsilyo at kinumpirma ang kamalian ng iconoclasm
*Juan Damaso- dakilang tagapagtanggol ng icon
Lumipas ang mga panahon at mga umupong emperador. Nagkaroon ng ika-7 konsilyo sa Nicea na nagbalik ng tunay na pananampalataya at duon ay winakasan nila ang iconoclasm
Noong ika-2, ang heresy ng iconoclasm ay muling lumitaw noong 815-843 nang dahil sa politika, nang dahil sa gustong ibalik ni Emperador Leo V upang patibayin ang kanyang impluwensiya at ang militar.
Sa tulong ng Empress Theodora, isang iconophile, binalik ang mga icons
-- my heart rejoices in the Lord!
No comments:
Post a Comment