Ibabahagi ko lang ang tungkol sa mga tema ng mga Pagbasa sa Misa para Panahon ng Kuwaresma
Ito ang mga notes ko sa 'Daily Missal: St.Paul's Edition'. Sana ay makatulong ito upang makita natin ang mga tinatalakay ng mga pagbasa sa bawat linggo ng Kuwaresma.
Miyerkules ng Abo- Joel 2:12-18 - Ito ay tungkol sa taus-pusong pagpepenitensiya; Cor 5:20-6:2 -pagpapaalala na magbalik-loob sa Panginoon; Mt 6:1-6, 16-18- pagtuturo na ang mabuting gawain ay hindi para sa pagpapakita sa mga tao bagkus ay ang resulta ng panloob na pagbabago sa atin bunga ng pananahan ni Kristo sa bawat isa sa atin.
Huebes -Ang unang apat na Misa sa Kuwaresma ay may mga relasyon. Pinapakita ng mga misang ito ang pagtutuunan natin ng atensiyon. Ang Misa para sa araw na ito ay para ipaalala na misyon natin na iligtas ang ating mga kaluluwa.
Biernes- Kasama ng unang apat na Misa sa Kuwaresma. Pinapaala ang mga mahalagang bagay sa panahon na ito. Ang isa dito ay ang pag-aayuno.
Sabado - bahagi ng 4 na magkaka-ugnay na mga Misa na nakatuon sa: pagdadasal, pagbibigay ng tulong pinansiyal, pag-aayuno, at pagbabalik loob. Ang misa na ito ay para sa pagbabalik loob.
Unang Linggo ng Kuwaresma- Natapos na ang pagpapakilala ng mga tema para sa simula ng Kuwaresma. Simula na ng unang sa dalawang bahagi ng Kuwaresma. Ang susunod na tatlong mga linggo ay pag-aaral sa espirituwalidad.
Lunes- Mga pagbasa sa pakikitungo at pakikipagkapwa-tao.
Martes - Focus tungkol sa Bibliya at pagdadasal
Miyerkules - Kahalagahan ng pagbabalik loob
Huebes - pagtuturo kung paano magdasal
Biernes - pagbabalik loob sa Diyos at pag-aayos ng relasyon sa kapwa.
Sabado - 'be perfect as your heavenly Father is perfect"
*******************
Kinapos na sa oras, at kailangan ko nang tapusin ang e-mail na ito, pero ito ang mga tatalakayin sa mga dadating na linggo ng Kuwaresma.
Second Week of Lent- Ipagpapatuloy ang mga tema sa loob ng 3 linggong pagbasa tungkol sa mga katotohanan sa Esperitwal na buhay.
Third Week of Lent - Huling linggo ng unang bahagi ng Kuwaresma. Pagpapatuloy sa pagtalakay ng mga katotohanan tungkol sa Esperitwal na buhay.
Fourth Week of Lent - Ang mga Ebanghelyo sa bawat susunod na mga araw ay kukunin sa sinulat ni St. John kung saan makikita ang lumalalang alitan laban kay Jesus na magdadala sa Kanyang pagkakapako sa krus
Fifth Week, patuloy na pagpapakita ng mga nangyari na nag-uwi sa pagpapapako kay Jesus. Ang unang apat na araw sa linggong ito ay may 4 na Unang Pagbasa na galing kay Isaiah na naglalarawan ng "Magdurusang Tagapaglingkod"
Your groupmate,
Eric
-- my heart rejoices in the Lord!
No comments:
Post a Comment