katoliko at Yahoo! Groups

twitter pic

Friday, February 19, 2010

Pag-aayuno? 40 Araw? Bakit?!

Pag-aayuno? Bakit?!

Hello groupmates!

http://bit.ly/dp1yNN Ang ganda ng paliwanag ng ating Santo Papa sa dahilan ng ating pag-aayuno. Maraming mga tao ang nagtatanong tungkol sa katolikong tradisyon na ito. Ang iba sa kanila pa nga ay nagsasabi na bakit pa daw natin pinapahirapan ang ating sarili sa panahon ng Kuwaresma gayong nagawa na ni Hesus ang lahat para matupad ang Kanyang misyon ng pagliligtas.

Pinaalala ng Santo Papa na ang ganitong gawain ay naglilinis sa atin sa kasalanan, isang pag-ayos sa paglabag ni Adan nang kainin nya ang bunga ng puno ng "karunungan ng masama at mabuti".

Ang pag-aayuno din ay nabigyan ko ng bagong kahalagahan sa tulong na din ng mga natutunan ko sa Ewtn at pag-aaral ng ating pananampalataya. Para sa akin, ang
pag-aayuno ay paraan sa pagpatay natin sa makamundong pagnanasa, at lalong paghaya sa Panginoon na siya ay manahan at mamuhay sa atin. "di na tayo ang nabubuhay ngunit ang Diyos na nasa atin".

Maliit man na sakripisyo ang pag-aayuno, ito ay isang panggising na tayo ay nasa peligro na maging alipin ng maliliit na bagay. Ang paggising na ito ay isang magandang daan upang mabuksan ang ating isipan na tayo ay posibleng maging alipin din ng mas malaking mga bagay. Ito ay magandang simula. Sabi nga ni San
Francisco de Sales, ang simula ng debotong buhay ay paunti-unti. Alalahanin natin ang hagdan ni Jacob kung saan panik-panaog ang mga anghel kahit sila ay may pakpak. Ito ay may mensahe na upang makarating sa rurok ng debotong buhay, mainam na magkaroon ng unti-unting hakbang patungo rito.

Ang maliit na sakripisyo na tulad na ito ay nagkakaroon ng esperitwal na
importansya sa pakikipag-isa nito sa sakripisyo ni Kristo sa Krus. Ang ating pagiging kristiano ay di lang isang biyaya, ito ay may nakakabit na misyon ng pagsasakripisyo at pagpepenitensya para sa ating kasalanan at sa kasalanan ng mundo. Sa mumunting pagtitiis na ito, natututo tayong hanapin sa Diyos ang kaginhawahan, ang kanyang lalong pananahan sa nagpepenitensya, na lalong
nagbibigay lakas sa tao para magawa ito. Nandito ang pagsandal natin sa Kanyang pangako na sa bawat pagsubok, kasama natin siya, nagbibigay ng siya karampatang
lakas. Nasa atin ang Panginoon at wala na tayong nanaisin pang iba.

Sa pag-aayuno, tayo ay nagiging buhay na alay. Tulad nga ng naireport natin sa Oral ng Romans, sa lumang Tipan, ang mga alay ay patay, nagpapaalala ng kamatayan na dala ng kasalanan. Sa bagong Tipan, ang mga alay ay buhay, paalala na ang bunga ng sakripisyo sa krus ay ang buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Nya at sa Kanya, tayo ay nagiging buhay na alay

Bakit 40? Gusto mo bang gumaling?

http://bit.ly/bMhNmh Mababasa sa Gospel ni St John 5:5 na ang isang tao na nakahandusay ng 38 na taon, ay tinanong ni Jesus kung gusto niyang mapagaling. Ang ilan sa atin ay magtataka kung bakit nakuha pang itanong ng Panginoon kung gusto niyang gumaling gayong walang tao ang nagnanais na magkasakit ng habang buhay.

Sa ating buhay, Sa panahon ng kuwaresma, pinapaalala ang nangyari sa Israel nang hindi sila nakapasok sa pinangakong lupa ng 40 na taon bunga ng kanilang desisyong hindi paniwalaan ang Diyos. Ang bilang na 40 din ay nagpapaalala sa atin ng nangyari sa Panginoon kung saan siya ay tinukso ng demonyo at kung saan ay  napagtagumpayan Niya ang pagsubok para sa atin.

Makikita natin ang ating sarili sa taong nakahandusay kung pipiliin nating baguhin ni Kristo ang ating buhay at piliin na sumunod sa Kanyang yapak na 'di nagpatalo sa tukso. Sa pamamagitan ng penitensiya at sa pagsunod sa mga bagay na esperitwal o "mortification" ng ating katawan, lalo tayong nagiging katulad niya at nanatili si Jesus sa atin.

Your groupmate,
Eric

-- my heart rejoices in the Lord!

No comments: