Today's Readings' theme: In Hope we are saved! Spe Salvi! ( Filipino Translation http://bit.ly/av28Ga Listen to the Katoliko Presentation http://bit.ly/9EtjnL )Watch Bishop Tagle's Sunday Bible Study http://bit.ly/b3ea4m http://bit.ly/d78ELu http://bit.ly/d78ELu http://bit.ly/bnhc5v
Excerpts from the Encyclical:
Nasabi ni San Pablo na naililigtas tayo ng pag-asa Rom 8:24. Ayon sa ating pananampalataya, ang pagliligtas ay hindi lang ibinibigay. Ito din ay may paanyaya , sa paraan na tayo ay nabibigyan ng pag-asa para maharap natin ang pangkasalukuyan kahit may kahirapan na kasama. Maisasabuhay ito kung ang pananampalataya may patutunguhan at kung ang patutunguhan na ito ay mas matimbang kaysa sa mga dadaanan sa ating paglalakbay. Ano kaya ang pag-asa na tinutukoy na mismong nakakapagbigay ng pagkaligtas
Nasabi ni San Pablo sa mga may diyus-diyosan na bago nila makilala ang tungkol kay Kristo at magkaroon ng pananampalataya, sila ay walang pag-asa at wala silang Diyos sa mundo (eph 2;12)... makikita natin na ang marka ng Kristiano ay may kinabukasan, alam nila na may katuturan ang kanilang mga buhay.
Ang makilala ang tunay na Diyos ay ang pagtanggap sa pag-asa
Ang pananampalataya ay ang pinakanilalaman ng mga bagay na ating inaasahan; ang katibayan ng mga bagay na di natin nakikita . Sinabi ni Santo Thomas Aquino:Ang pananampalataya ay isang habitus, ang tuluy tuluy na kalagayan ng espiritu kung saan nagsisimula ang buhay Diyos sa atin at ang paggamit ng isip ay sumasang-ayon sa mga bagay na di nakikita. Samakatuwid,ang konsepto ng substansya o "substance" ay iniba sa kahulugang sa pananampalataya, nasa atin na ang mga bagay na inaasahan natin: ang kabuuan, tunay na buhay. At dahil mismo sa pagkakaroon ng bagay na iyon, ang presensiya ng bagay na iyon ay nagbibigay ng kasiguraduhan pero ito ay di pa nakikita pero ang bagay na ito ay dala natin, at may pagkakaintindi din tayo tungkol dito. ...Bigay nito ang realidad na hinihintay natin, ang katibayan ng mga mga hindi pa nakikita. Ang kasalukuyan ay nahawakan ng realidad ng hinaharap kaya ang mga bagay sa hinaharap ay bubuhos din sa kasalukuyan at sa kasalukuyan ng hinaharap
Ito ay ang pag-asa ng mga bagay na dadating mula sa pagtingin sa pangkasalukuyan kung saan ang mga bagay na inaasahan ay naibigay na. Ito ay ang pag-abang sa presensya ni Kristo, kasama ni Kristo na kapiling na natin, sa kaganapan ng kanyang Katawan at ang kanyang siguradong pagdating.
Your groupmate,
Eric
-- my heart rejoices in the Lord!
No comments:
Post a Comment